Programang Pantrabaho sa PWDs inilunsad
Ivy Mae Polintan, ABS-CBN NewsPosted at Jun 07 2016 02:54 PM
MANILA - Ilulunsad ng Junior Chamber International o JCI Manila ang kauna-unahang nitong libreng programa para sa mga persons with disabilities (PWDs) sa pagkakaroon ng trabaho.
Ang layunin ng Project Empower ay maalis ang diskriminasyon sa mga PWDs o sa mga taong may kapansanan na gustong magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap.

Ayon kay Atty. Danilo Rico, miyembro ng JCI Manila na kaya din magtrabaho ng mga taong may kapansanan gaya ng mga normal na tao.
Dagdag niya, "Hindi po nila alam na kayang-kaya din po nilang magtrabaho tulad ng isang able-bodied at karamihan po sa kanila hindi po lamang high school graduate kung 'di po college graduate po."
Ang JCI Manila ay magkakaroon ng pagsasanay para sa mga may kapansanang gustong maging call center agent. Magkakaroon sila ng training kung saan tuturuan sila ng speech enhancement, basic English, at iba pa.
Pagkatapos ng training na ito, tutulungan din sila ng JCI Manila sa paghahanap ng trabaho.
Magbubukas ang kanilang programa sa darating na ika-2 ng Hunyo hanggang sa ika-2 ng Hulyo 2016. Limampu ang magiging kasapi sa naturang programa para sa unang batch.
Kung sakaling sila ay magtagumpay, magkakaroon muli ang JCI Manila ng ganitong programa sa buong bansa.
Katuwang ng JCI Manila, ang Tahanang walang Hagdanan, Incomtek Inc., West contact surfaces, Cognisance at ang Dare to Care ng JCI Manila.
Kasama rin ng JCI Manila ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang mabigyan ng scholarship ang mga PWDs na nagsilahok sa programang ito. I-text lamang ang buong pangalan, edad, address, kapansanan at educational background sa 09176333224 o 09285006891 at maghintay ng kumpirmasyon kung kailangan magsisimula ang training. https://news.abs-cbn.com/nation/metro-manila/06/07/16/programang-pantrabaho-sa-pwds-inilunsad

Source: ABS-CBN News
Link: